Pista ng Peñafrancia
Ang Kapistahan ng Birhen ng Peñafrancia ang isa sa pangunahing kapistahan ng Pilipinas na idinaraos sa Naga City. Ito ay masayang ipinagdiriwang tuwing sasapit ang ikatlo ng Sabado o Linggo ng Setyembre. Libu-libong tao na may debosyon sa Birhen ng Peñafrancia ang dumadalo sa kapistahan kabilang ang mga balikbayang Bicolano, mga dayuhan at lokal na turista. Sinasabing ang malalim na debosyon ng mga taga-Bicol sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia ay ang puso ng kapistahan. Ang siyam na araw na nobena ay bahagi na rin ng kultura at tradisyon sa Bicol region.
Pagdiriwang ng Pista ng Peñafrancia sa Naga
Traslacion
Bago simulan ang nobena tuwing ikalawang Biyernes ng Setyembre, ang imahen ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia at ng Divino Rosario (mukha ni Kristo) ay kinakarga ng nakayapak na mga lalaki na tinatawag na “voyadore”. Ang mga imahe ay inililipat mula sa Peñafrancia shrine patungo sa Metropolitan cathedral. Ang bahaging ito ng tradisyon ay tinatawag na “translacion” o paglilipat.
|
Ang pagdating ng imahe ng Divino Rostro sa katedral ng Naga |
|
Ang pagdating ng imahe ni Inang Peñafrancia sa katedral ng Naga |
|
Ang pagbendisyon sa imahe ni Inang Peñafrancia at Divino Rostro |
|
Banal na Misa pagkatapos ng Traslacion |
Fluvial Procession
Pagkatapos ng siyam na araw na nobena para kay Inang Peñafrancia sa Naga Cathedral, ay isinasagawa ang fluvial procession sa Ilog ng Naga hanggang sa Basilica. Sa gilid o tabi ng tatlong kilometrong ilog, nakatayo ang maraming tao at mga deboto at nanonood ng fluvial procession. May mga hawak na kandila at nagdarasal habang dumaraan ang imahen ng Mahal na Ina o ng Birhen ng Peñafrancia na lulan sa isang pagoda at hinihila ng maliliit na bangka.
|
Ang pagdaraos ng Fluvial Procession sa Naga River |
|
Mga voyadores ang nanguna sa Fluvial Procession |
|
Ang pagdaan ng pagoda lulan ang imahe ni Divino Rostro |
|
Ang pagdaan ng pagoda lulan ang imahe ni Inang Peñafrancia |
Pagdiriwang ng Pista ng Peñafrancia sa Nabua
Likas talagang malakas ang pananalig ng mga taga-Bicol sa Diyos at sa Birheng Maria. Patunay na ang bukal na pagmamahal ng mga taga-Nabua kay Inang Pe
ñafrancia sa pagdaraos nila ng Pagsakoy o Fluvial Procession, Banal na Misa para kay Inang Pe
ñafrancia at Prusisyon ng banal na imahe ng Divino Rostro at Inang Pe
ñafrancia sa Nabua.
|
Ang Pagsakoy sa San Miguel River |
|
Viva! Ang sigaw ng mga devotong nasa pagoda ni Inang Peñafrancia sa Pagsakoy |
|
Ang pagdaan ng imahe ni Inang Peñafrancia |
|
Ang pagpahalik sa manto ni Inang Peñafrancia |
|
Ang prusisyon ni Inang Peñafrancia sa Poblacion ng Nabua |
|
Ang pagdaan ng imahe ni Inang Peñafrancia sa prusisyon |