Sunday, February 25, 2018

Debosyon at Pagmamahal kay Inang Peñafrancia





Pista ng Peñafrancia


          Ang Kapistahan ng Birhen ng Peñafrancia ang isa sa pangunahing kapistahan ng Pilipinas na idinaraos sa Naga City. Ito ay masayang ipinagdiriwang tuwing sasapit ang ikatlo ng Sabado o Linggo ng Setyembre. Libu-libong tao na may debosyon sa Birhen ng Peñafrancia ang dumadalo sa kapistahan kabilang ang mga balikbayang Bicolano, mga dayuhan at lokal na turista. Sinasabing ang malalim na debosyon ng mga taga-Bicol sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia ay ang puso ng kapistahan. Ang siyam na araw na nobena ay bahagi na rin ng kultura at tradisyon sa Bicol region.

                           Pagdiriwang ng Pista ng Peñafrancia sa Naga

     Traslacion

          Bago simulan ang nobena tuwing ikalawang Biyernes ng Setyembre, ang imahen ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia at ng Divino Rosario (mukha ni Kristo) ay kinakarga ng nakayapak na mga lalaki na tinatawag na “voyadore”. Ang mga imahe ay inililipat mula sa Peñafrancia shrine patungo sa Metropolitan cathedral. Ang bahaging ito ng tradisyon ay tinatawag na “translacion” o paglilipat.

Ang pagdating ng imahe ng Divino Rostro sa katedral ng Naga


Ang pagdating ng imahe ni Inang Peñafrancia sa katedral ng Naga 


Ang pagbendisyon sa imahe ni Inang Peñafrancia at Divino Rostro 


Banal na Misa pagkatapos ng Traslacion

     Fluvial Procession

          Pagkatapos ng siyam na araw na nobena para kay Inang Peñafrancia sa Naga Cathedral, ay isinasagawa ang fluvial procession sa Ilog ng Naga hanggang sa Basilica. Sa gilid o tabi ng tatlong kilometrong ilog, nakatayo ang maraming tao at mga deboto at nanonood ng fluvial procession. May mga hawak na kandila at nagdarasal habang dumaraan ang imahen ng Mahal na Ina o ng Birhen ng Peñafrancia na lulan sa isang pagoda at hinihila ng maliliit na bangka.

Ang pagdaraos ng Fluvial Procession sa Naga River


Mga voyadores ang nanguna sa Fluvial Procession
                                   

Ang pagdaan ng pagoda lulan ang imahe ni Divino Rostro
                           

  Ang pagdaan ng pagoda lulan ang imahe ni Inang Peñafrancia
                                     

                                Pagdiriwang ng Pista ng Peñafrancia sa Nabua


           Likas talagang malakas ang pananalig ng mga taga-Bicol sa Diyos at sa Birheng Maria. Patunay na ang bukal na pagmamahal ng mga taga-Nabua kay Inang Peñafrancia sa pagdaraos nila ng Pagsakoy o Fluvial Procession, Banal na Misa para kay Inang Peñafrancia at Prusisyon ng banal na imahe ng Divino Rostro at Inang Peñafrancia sa Nabua.

Ang Pagsakoy sa San Miguel River 
       

Viva! Ang sigaw ng mga devotong nasa pagoda ni Inang Peñafrancia sa Pagsakoy
           


Ang pagdaan ng imahe ni Inang Peñafrancia


Ang pagpahalik sa manto ni Inang Peñafrancia


Ang prusisyon ni Inang Peñafrancia sa Poblacion ng Nabua


      Ang pagdaan ng imahe ni Inang Peñafrancia sa prusisyon